Monday, February 28, 2011

Ang Kartilya ng Katipunan

Ang Kartilya ng Katipunan

          Ang Kartilya ng Katipunan ay ang nagsilbing aral ng mga katipunero.
Ang dokumentong ito ay tungkol sa seremonya sa pagsali sa Katipunan. Tinawag ng pamunuan ng Katipunan ang seremonya ng pagsali sa samahan ng Pagbubukas ng Karurukan. Maraming mga sinulat na nagsaad na si Emilio Jacinto ang maykatha ng mga seremonya sa pagsanib sa Katipunan subalit ang mga nasabing sinulat ay hindi nagbigay ng deskripsyon kung ano ang nilalaman ng nasabing Kartilya ng Katipunan. Ito ang kaunaunahang pagkakataon na maipapakita ang detalya ng seremonya sa pagsali sa Katipunan, isang napakahalagang dokumento ng Katipunan. 

Source: http://www.filipiniana.net/

Saturday, February 19, 2011

Uri ng Kasapi

Uri ng kasapi ng Katipunan

          Ang pagsali sa katipunan ay isang pagsubok sa mga pilipino, hindi madali ang maging partida ng katipunan. Dapat ay mayroon kang tibay ng loob para sa bayan.

Mga unang Katanungan:

       Tanong 1: Ano ang kalagayan ng bansa noong sinaunang panahon?
Sagot 1: Bago dumating ang mga Espanyol, matiwasay ang pamumuhay ng mga mamamayan, maayos ang kalakalan at may sapat na yaman at ari-arian na tangan ang bawat isa.
       Tanong 2: Ano naman ang kalagayan nito ngayon?
Sagot 2: (Kailangang isagot dito ang di mabilang na pang-aabuso at di makatarungang pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.)
       Tanong 3: Ano ang magiging kalagayan nito sa hinaharap?
Sagot 3: (Kailangang isagot dito na isang maliwanag na kinabukasan ang naghihintay sa mamamayan kung sila'y magsasasama-sama at magtutulungan upang tuldukan na ang kasamaan ng Espanya.)
Source: fil.wikipilipinas.org/


Mga pangunahing Opisyal ng Katipunan

                  Mga pangunahing Opisyal ng Katipunan

   Ang mga nakatataas na opisyal ay nabibilang sa Kataastaasang Hukuman, ang pangulo (Supremo) at iba pa:




Deodato Arellano     -      Supremo
            Andres Bonifacio     -      Tagapamagitan
   Ladislao Diwa     -      Piskal
         Teodoro Plata    -       Kalihim
                    Valentin Diaz    -       Ingat- Yaman


                    Hindi rin naging mabisnag pinuno si Deodato Arellano, Inalis siya ni Bonifacio at nagkaroon ng halalan noong 1893. Nagwagi si Ramon Basa bilang supremo. Ang iba pang nahalal ay sina Andres Bonofacio (Piskal), Jose Turiano santiago (kalihihim), at Vicente Molina (Ingat-Yaman). 
 Source: Phoenix; Exodo ng sambayanang Pilipino.


  Andres Bonifacio  -    Supremo      
   Emilio Jacinto   -    Piskal
 Jose Turiano Santiago  - Kalihim
           Vicente Molina   -      Ingat- Yaman                  


Balangkas ng Katipunan


Balangkas ng Katipunan

                           Ito ang balangkas ng Katipunan, Nangunguna ang Kataastaasang Hukuman kung saan ang mga nakatataas na opisyal ay Nabibilang. Ang Sangguniang Lalawigan naman ang humahawak sa mga lalawigan ng bawat lugar At ang Sangguniang Balangay ay sa bawat bayan.



Saturday, February 12, 2011

Sistemang Tatsulok

Sistemang Tatsulok




                      Ang Sistemang Tatsulok (Triangle Method; Triangle Sistem) ay paraan upang makakuha ng ibang kasapi ng katipunan. Ito ang pangunahing sinusundan ng mga katipunero para dumami ang pwersa ng mga pilipinong katipunero laban sa mga Espanyol. Isinasagawa ang sistemang ito sa pamamagitan ng pagpasok ng orihinal na kasapi ng dalawang ibig sumaping hindi magkakilala subalit kilala ng nagpapasok.


Ano ang KATIPUNAN?


Ano ang Katipunan?


                   Ang Kataas-taasang, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (kkk) o mas kilala sa tawag na Katipunan, ay samahan ng mga pilipinong minimithi ang ganap na kalayaan ng bansang pilipinas. Naitayo ang samahang ito sa pamumuno ni Andres Bonifacio, (ikatlong pinuno ng Katipunan) noong Hulyo 7, 1892, sa Azcarraga St. sa Tondo, Maynila. Ito ang bunga ng pagkakatapon kay Dr. Jose Rizal sa Dapitan, noong Hulyo 1892. Ang samahan ito ang kumakalat sa mga pilipino ng palihim. Ang minimithi ng mga pilipino ay ang kalayaan sa mga Espanyol. Bagamat hindi madali sa mga pilipino ang maghimagsik sa panahon ng paghihirap natin sa mga kastila.